Dinalungan

..wELcomE Dinalungan people..This is our Page, this is our HOME~!..

..the brilliant Paradise..

…bawat tagatak ng pawis ng mga Driver ay hindi maikakailang walang kapantay na  hirap tulad ng kung gaaning ngitngit ng molye at gulong ng D-Liner at Genesis maidating lamang sa bawat bayan ang mga pasahero na patungo sa bayan ng Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran at Dilasag.

       Sa isang manlalakbay tulad ng mga mangangalakal at estudyanteng sabik na makauwi sa bayan ng Dinalungan, ang mga ganitong kalbaryo ay karaniwan na lamang. Ang mahalaga lang nman ay makauwi, makarating sa bayan ng Dinalungan sa ganap na ika-4 ng hapon o mas maaga upang makapamasyal na agad sa mga kaibigan at magkabalitaan ng buhay buhay.

      Bawat ilog at bundok, bawat tanawin ay lubhnag nakakaaliw at nakakaalis ng pag kainip sa biyahe. Bawat lubak at pag igit ng sasakyan sa matatarik na kabundukan ay mga senaryong nakakatakot man ay nakakaaliw na rin sa ibang aspeto. Pagkat ang mga mamamayan sa ganitong mga lugar ay sanay at tanggap na ganito na ang hirap na kakaharapin sinu man ang magnais na makauwi sa Paraisong Bayan..

   ... at the end of this seems Endless Journey.. you wiLL find the WonderfuL Place of Lost Paradise..